Salamat po Ma’am at Sir sa lahat ng bagay na itinuro
ninyo sa akin. Hindi ko maisusulat ang liham na ito kung wala kayo sa tabi ko.
Alam kong marami na kayong pinagdaanan ngunit hindi po kayo tumigil na kami ay
turuan. Alam ko pong hindi ako ganun kabait ngunit tiniis ninyo na ako ay
maturuan. Sa halos isang taong ating pinagsamahan. Lahat ng alaala’y hindi ko malilimutan. Salamat sa paghasa at
pagpapaunlad ng aking abilidad at talento na aking magagamit pagdating ng
panahon. Alam ko pong marami na kayong isinakripisyo para lamang sa amin. Kayo
po an gaming nanay at tatay sa eskwelahan. Salamat po sa lahat ng bagay.
Tuesday, October 28, 2014
Marl Vincent Pejer
Sa Hari at Reyna ng Kabihasnan,
Walang hanggang pasasalamat ang sa inyo’y aking
sasambitin. Sa lahat ng bagay na inyong natuklasan. Sa lahat ng naiambag ninyo
sa kasaysayan. Salamat po sa biyaya ng agham at matematika. Ito ang mga bagay
na nagpadali sa mga Gawain namin sa araw-araw.
Salamat po sa biyaya ng transportasyon na
nagpadaling marating ang isang malayong
lugar. Salamat din po sa biyaya ng arkitektura na mas nagpaunlad sa aming mga
tahanan at mga inprastrakturang nagagamit namin sa araw-araw na trabaho.
Nawa’y lalo pa naming mapaunlad ang mga ipinamana ninyo
sa amin at sa mga susunod pang henerasyon. Ang lahat po ng mga ito ay nagmula
sa aking puso’t isipan.
Lubos na Gumagalang,
Marl Vincent L. Pejer
Monday, October 27, 2014
Angelo Cabrera
Kung ano ako ngayon ay utang ko
sa aking guro. Ang aking guro na siyang nagtiyaga na turuan akong magbasa,
magsulat, at magbilang. Guro na walang ibang hangad kundi ako ay ihanda para sa
kinabukasan. Guro na siyang nagtitiyagang ipaintindi ang mga di maintindihan,
ang mga bagay na aking inakala ay hindi ko kayang manamnam. Sa bawat segundo na
ako ay nasa loob ng kanyang silid-aralan ay kanyang isinisiguro na makuha ko
ang mga dapat na malaman. Hindi niya hinahayaang mapalampas ko ang pagkakataon
na mapunan ang isip ko ng mga kaalaman, kaalaman na siya ring aking gagamitin
para sa kinabukasan.
Guro ko na hindi makuhang magalit. Na kahit hindi ko nagawa ang kanyang mga itinakda ay sasalubungin pa rin niya ako ng matamis na ngiti, ngiting nagpapahiwatig na kahit ako ay may pagkukulang ay siya pa rin niya akong tatanggapin. Ngiting nagpapaalala na ang lahat ay kaya ko namang gawin basta aking nanaisin.Guro ko na gagampanan ang kanyang maharlikang tungkulin na hindi naghihintay ng kapalit. Hindi niya inaasahan na ako ay magpasalamat, ang importante lang sa kanya ay nakuha ko ang leksiyon na kanyang ipinamahagi. Guro ko na kahit minsan siya ay may karamdaman ay nagpupumilit pa ring pumasok sa paaralan, dahil siya ay nag-aalala kung sino ba ang mag-aaruga sa kanyang mga munting alaga. Guro na tumatayong ama at ina sa loob ng paaralan, na nagmamahal at nagmamalasakit kahit alam niya na ako ay makakasama lamang niya ng panandalian. Guro ko na napupuyat sa kakahanda ng kanyang mga leksiyon, napupuyat sa kakaisip kung paano niya ipapaliwanag ang mga bagay-bagay sa munti at inosente kong isipan. Guro ko na may suot ng makapal na salamin dahil lumalabo ang kanyang mga mata sa kababasa para lamang may maibahaging bagong kaalaman. Guro ko na ilang bagyo na ang sinuong, ilang baha na ang tinawid, ilang gutom na ang ipinalipas para lamang magawa ang obligasyon niya sa akin.
Guro ko na nagbukas sa aking mga mata sa katotohanan. At hindi lamang niya ipinakita sa akin ang riyalidad kundi inihanda niya rin ako para harapin ang tunay na mundo. Siya rin ang nagturo sa aking magbasa, hindi lamang ng ibong adarna, kundi pati kung paano basahin ang lipunan na aking kinabibilangan. Guro ko na gumabay sa aking kamay magsulat hindi lamang ng abakada kundi pati ng mga paksang may kabuluhan. Ipinakita niya sa akin na sa paghawak ng lapis ay hindi lamang ang mga letra ang aking kontrolado kundi pati ang aking mundo. Guro na siyang nagsabing ako man ay may kapangyarihan, na kaya kong bigyan ng pag-asa ang mga nanglulumo. Siya rin ang nagsabing kaya kong simulan ang pagbabago, pagbabagong hinahangad ko sa mga panaginip ko. Guro kong nagbigay inspirasyon at palaging nagpapa-aalala na sa darating na panahon ay ako naman ang magsisilbing pag-asa para sa iba.Guro kong nagpalakas ng aking loob, gurong nagsabing may silbi ako dito sa mundo.
Mahal kong guro, nasaan ka man, utang ko ang lahat ng ito sa iyo. Utang ko ang aking pagkamulat sa katotohanan. Ikaw ang siyang naglagay ng mga salita sa aking mga bibig, ikaw ang naglagay ng mga letra sa aking lapis. Ikaw ang nagturo sa aking mag-isip, ang lahat na laman ng aking diwa ay sa iyo nagmula. Ikaw ang siyang nagsabing, kaya ko ang mga gusto kong gawin, ikaw ang nagbigay sa akin ng tiwala sa sarili. Hindi mo lamang ako tinuruan maging estudyante, hinubog mo rin akong maging isang tunay na tao.
Kaya sa bawat segundo ng aking nalalabing buhay, hindi ko matatawaran ang lahat ng ginawa mo para sa akin. Hinding-hindi ko mababayaran ang matindi kong pagkakautang sa iyo. Salamat sa iyong pag-aaruga. Salamat sa pagiging inspirasyon. Salamat at nagkaroon ako ng guro. Salamat, ikaw ang naging guro ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)