Tuesday, October 28, 2014

Marl Vincent Pejer

Sa Hari at Reyna ng Kabihasnan,

Walang hanggang pasasalamat ang sa inyo’y aking sasambitin. Sa lahat ng bagay na inyong natuklasan. Sa lahat ng naiambag ninyo sa kasaysayan. Salamat po sa biyaya ng agham at matematika. Ito ang mga bagay na nagpadali sa mga Gawain namin sa araw-araw.

Salamat po sa biyaya ng transportasyon na nagpadaling  marating ang isang malayong lugar. Salamat din po sa biyaya ng arkitektura na mas nagpaunlad sa aming mga tahanan at mga inprastrakturang nagagamit namin sa araw-araw na trabaho.

Nawa’y lalo pa naming mapaunlad ang mga ipinamana ninyo sa amin at sa mga susunod pang henerasyon. Ang lahat po ng mga ito ay nagmula sa aking puso’t isipan.

Lubos na Gumagalang,

Marl Vincent L. Pejer

No comments:

Post a Comment